1 / 16

PAGTATAE

PAGTATAE. (Mga Dapat Malaman). Ano ang diarrhea o pagtatae?. Ang pagtatae ay ang pagdumi ng mas madalas sa 3 beses sa isang araw. Ano ang dahilan ng diarrhea o pagtatae?.

mliss
Télécharger la présentation

PAGTATAE

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. PAGTATAE (Mga Dapat Malaman)

  2. Ano ang diarrhea o pagtatae? • Ang pagtatae ay ang pagdumi ng mas madalas sa 3 beses sa isang araw.

  3. Ano ang dahilan ng diarrhea o pagtatae? • Ang bata ay nagtatae sanhi sa mikrobyo na pumapasok sa bibig dahil sa pagbibigay ng maruming pagkain at tubig o paglalaro sa maruming kapaligiran

  4. Ano ang epekto ng diarrhea o pagtatae sa bata? • Ang pagtatae ay lubhang mapanganib • Ito’y hahantong sa pagkaubos ng tubig na maaaring ikamatay ng bata

  5. Signs ng Pagkaubos ng Tubig sa Katawan

  6. Ano ang gamot sa diarrhea o pagtatae? • Sa paulit-ulit na pagtatae ng bata, kailangang hindi siya maubusan ng tubig sa katawan kaya dapat painumin ng Oral Rehydration Solution (ORESOL) para mapalitan ang mga nawalang tubig • Dapat ipagpatuloy ang pagpapasuso ng ina kung ang bata ay 0-6 buwang gulang • Ang mga batang lampas ng 6 na buwan ay dapat pakainin at painumin ng juice, rice water at iba pa

  7. Ang pagtatae ay maiiwasan kung: • Tanging gatas lamang ng ina ang ipapasuso mula 0-6 buwang gulang • Susundin ang mga sumusunod na kaugaliang pangkalinisan: • Hugasan ang kamay ng sabon at tubig bago maghanda ng pagkain ng bata • Hugasan ng sabon at tubig ang mga kagamitan na gagamitin sa pagkain ng bata • Hugasan ang kamay ng sabon at tubig bago at pagkatapos magpakain sa bata

  8. Ang pagtatae ay maiiwasan kung: • Susundin ang mga sumusunod na kaugaliang pangkalinisan: • Takipan ang pagkain upang maiwasan ang pagdapo ng mga insekto na nagdadala ng mga mikrobyo • Panatiliing malinis ang laruan ng bata upang maiwasan ng bata na makasubo ng maruming bagay • Panatilihing malinis ang bata sa lahat ng oras • Gumamit ng pinakuluang tubig sa pagpapainom • Linisin ang lugar na kinalalagyan at pinaglalaruan ng bata • Panatilihing malinis sa loob at labas ng bahay

More Related