1 / 24

Kataga ng Buhay

Kataga ng Buhay. Pebrero 2012. « Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at maniwala kayo sa Ebanghelyo. » ( Mar. 1:15).

denton-buck
Télécharger la présentation

Kataga ng Buhay

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. KatagangBuhay Pebrero2012

  2. «Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at maniwala kayo sa Ebanghelyo. » (Mar. 1:15)

  3. Sa mga katagang ito mula sa Ebanghelyo ni San Marcos, sinimulan ni Jesus ang pagpapahayag sa daigdig ng kanyang mensahe ng pagliligtas: « Dumating na ang tamang panahon, at nalalapit na ang kaharian ng Diyos; magsisi, at maniwala sa Ebanghelyo. »

  4. Ang pagdating ni Jesus ay tanda ng simula ng bagong panahon, ang panahon ng biyaya at kaligtasan. Ang mga una Niyang kataga ay paanyaya na yakapin ang dakila at bagong bagay na ito, ang katotohanan ng Kaharian ng Diyos na kanyang dinala na kayang abutin at malapit sa bawat tao.

  5. Ito ay nangangahulugan na radikal na baguhin ang buhay ng isang tao at tanggapin kay Jesus ang Salita ng Diyos, na sinasabi ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus, sa lahat ng sangkatauhan sa lahat ng panahon.

  6. Ang pagsisisi at pananampalataya ay kailangang magkaagapay. Hindi maaaring mawala ang isa. Pareho silang bumubukal kapag isinabuhay ang Salita ng Diyos, mula sa presensya ni Jesus na hanggang sa ngayon ay nagsasabi sa kalahatan:

  7. « Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at maniwala kayo sa Ebanghelyo.»

  8. Kapag ang salita ng Diyos ay tinanggap at isinabuhay, ito ay nagbubunga ng ganap na pagbabago ng kaisipan. Ito ay unti-unting pumapasok sa puso ng lahat- Europeo, Asyano, Australyano, Amerikano, Afrikano- ang damdamin ni Kristo na may kinalaman sa kalagayan ng buhay ng tao at lipunan.

  9. Subalit paano maisasagawa ng Ebanghelyo ang himala ng ganap na pagbabago, ng bago at nagbibigay-liwanag na pananampalataya? Ang sekreto ay nakasalalay sa misteryong nakapaloob sa mga Salita ni Jesus.

  10. Ito ay hindi lamang basta mga pangaral, mungkahi, pahiwatig, kautusan, atas o mga utos. Sa Kanyang mga Salita ay naroon si Jesus. Ang kanyang mga Salita ay ang Kanyang Sarili mismo; ang mga ito ay si Jesus.

  11. Kaya’t sa Salita ng Diyos, nakakatagpo natin Siya. Sa pagtanggap sa Salita sa ating mga puso, kagaya ng nais Niyang pagtanggap (ibig sabihin, maging handa na isabuhay ito), tayo ay kaisa Niya, at Siya ay nabubuhay at lumalago sa atin.

  12. Kung kaya’t ang bawat isa sa atin ay maaari at dapat tanggapin ang apurahan at mapanghamong paanyaya ni Jesus.

  13. «Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at maniwala kayo sa Ebanghelyo.»

  14. Marahil itinuturing ng ilang tao ang mga Salita ng Ebanghelyo na masyadong mataas at mahirap gawin, masyadong malayo sa karaniwang paraan ng pamumuhay at pag-iisip. Maaari silang matukso na huwag makinig at panghinaan ng loob.

  15. Subalit nangyayari ito kapag iniisip nila na dapat nilang yanigin o itulak ang bundok ng kanilang mga pagdududa ng sariling pagsisikap lamang.

  16. Sa halip, sapat na ang subukan at isabuhay ang isang Salita ng Ebanghelyo lamang upang matagpuan dito ang hindi inaasahang tulong, natatanging lakas, liwanag sa kanilang daan.

  17. Dahil ang Salitang iyon ay presensya ng Diyos, ang pakikipag-ugnay dito ay nagpapalaya sa tao, nagpapadalisay, nagpapanibago, nagdadala ng katiwasayan at kasiyahan, at nagbibigay ng karunungan ng Diyos.

  18. «Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at maniwala kayo sa Ebanghelyo.»

  19. Gaano kadalas ang Kataga ng Buhay na ito ay nagbibigay liwanag sa atin sa bawat araw!

  20. Sa tuwing tayo ay nahaharap sa pakikipaglaban sa sariling kahinaan o sa kahinaan ng iba, sa tuwing ang pagsunod kay Jesus ay parang imposible o hindi makatwiran, sa tuwing tinatakot tayong talunin ng mga suliranin, ang Salitang ito ay maaaring magbigay sa atin ng mga pakpak, maging parang samyo ng sariwang hangin, isang inspirasyon upang magsimula muli.

  21. Sapat na ang gumawa ng maliit, mabilis na “pagbabago” ng ating landas mula sa pagkakakulong sa ating pagkamakasarili at buksan ang ating sarili sa Diyos, at maranasan ang bagong buhay, ang totoong buhay

  22. At kung posible para sa atin na ibahagi ang karanasang ito sa mga kaibigan na inangkin din ang Ebanghelyo bilang batas ng kanilang buhay, makikita natin ang Kristiyanong pamayanan na uusbong muli sa ating paligid.

  23. Dahil kapag ang Salita ng Diyos ay isinabuhay at ibinahagi, ito ay gumagawa rin ng mga himala. Lilitaw ang isang komunidad na magiging lebadura at asin ng lipunan, na magpapatotoo kay Jesus sa bawat sulok ng daigdig.

  24. «Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at maniwala kayo sa Ebanghelyo.» Isinulat ni : Chiara Lubich

More Related