1 / 57

PAGSUBAYBAY AT PAGDODOKUMENTO Philippine Human Rights Information Center (PhilRights)

PAGSUBAYBAY AT PAGDODOKUMENTO Philippine Human Rights Information Center (PhilRights). Layunin : Sa pagtatapos ng sesyon, ang mga kalahok ay dapat: Maipaliwanag kung ano ang pagsubaybay; Maipaliwanag ang layunin ng pagsubaybay;

hayden
Télécharger la présentation

PAGSUBAYBAY AT PAGDODOKUMENTO Philippine Human Rights Information Center (PhilRights)

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. PAGSUBAYBAY AT PAGDODOKUMENTO Philippine Human Rights Information Center (PhilRights)

  2. Layunin: Sa pagtatapos ng sesyon, ang mga kalahok ay dapat: Maipaliwanag kung ano ang pagsubaybay; Maipaliwanag ang layunin ng pagsubaybay; Makapagbigay halimbawa ng ilang tiyak na layunin ng pagsubaybay sa karapatang pantao;

  3. Maipaliwanag kung paano susukatin ang gawain ng gobyerno sa promosyon at proteksyon ng karapatang pantao; • Masabi ang kahalagahan ng dokumentasyon; • Masabi ang pinagagamitan ng dokumentasyon; • Mapag-iba ang 2 uri ng gawaing dokumentasyon.

  4. PAGSUBAYBAY AT PAGDOKUMENTO Balangkas ng mga Paksa: Ano ang Pagsubaybay Bakit kailangan ang pagsubaybay sa karapatang pantao Lawak ng Pagsubaybay Sino ang Sumusubaybay Balangkas ng Pagsubaybay Dalawang Uri ng Pagsubaybay sa Karapatang Pantao

  5. Balangkas ng mga paksa • Paano ang lapit sa pagsubaybay ng karapatang pantao • Paraan ng Pagsubaybay • Produkto ng Pagsubaybay • Inaasahang Resulta • Mga Prinsipiyo/Panuntunan ng Pagsubaybay 2. Ano ang Dokumentasyon • Layunin ng Dokumentasyon • 2 Uri ng Dokumentasyon

  6. Sa usapin ng karapatang pantao, ang pagsubaybay ay isang masinsing pag-aaral sa isang sitwasyon o indibidwal na kaso upang matukoy ang problema at makagawa na nararapat na kalutasan. PAGSUBAYBAY

  7. Ang masinsing pag-aral ng isang sitwasyon o kaso ay maaaring gawin sa pamamagitan ng palagian o pana-panahong pag-iimbestiga at pagdokumento ng mga pagbabago.

  8. Bahagi ng pagsubaybay ang pagkolekta o pagtanggap ng mga maramihang datos at pag-aanalisa nito na pangunahing nagsusukat ng mga kaso o sitwasyon kaugnay sa mga internasyunal ng mga pamantayan o kalakaran.

  9. Halimbawa ng isang sitwasyon sa komunidad PROBLEMA ? ARAL, IMBESTIGA, KOLEKTA, ANALISA NG MGA IMPORMASYON

  10. HALIMBAWA NG ISANG INDIBIDWAL NA KASO PROBLEMA? ARAL, IMBESTIGA, KOLEKTA, ANALISA NG MGA IMPORMASYON

  11. Bakit kailangang subaybayan ang Karapatang Pantao CRC UDHR ICESCR CEDAW ICERD ICCPR Kalusugan Pabahay Edukasyon Paggawa Pagkain Naipapatupad ba ang mga Internasyunal na Batas sa lokal na kalagayan?

  12. Layunin ng Pagsubaybay Ang kalahatang layunin ng pagsubaybay ay upang tukuyin ang problema sa isang sitwasyon o kaso at gumawa ng mga hakbang para mabigyang lunas ang sitwasyon.

  13. Tiyak na mga layunin ng pagsubaybay sa karapatang pantao: a. Tulungan ang gobyerno sa pag-aplay ng internasyunal na mga pamantayan. b. Itulak ang gobyerno sa pagsang-ayun at pagpapatupad ng mga internasyunal na pamantayan. • Magkapagsagawa ng mga legal na aksyon tulad ng pagsasampa ng kaso sa korte.

  14. Tiyak na mga layunin ng pagsubaybay sa karapatang pantao: d. Makapagsagawa ng iba pang aksyon tulad ng pagkondena at kampanyang publiko na may layuning pilitin ang pamahalaan o magpataas ng pampublikong kamalayan. e. Upang makatulong sa mga biktima. f. Makapagbigay ng paunang babala sa mga lugar na may namumuong sigalot.

  15. Lawak ng Pagsubaybay Nakabatay sa misyon o bisyon, o kakayanan ng isang organisasyon; maaaring maramihang karapatan o tiyak na mga karapatan lamang ang subaybayan. Kinaugalian na, na ang sakop ng gawaing pagsubaybay ay nakatuon sa mga gobyerno na nakatali sa mga internasyunal na mga kasunduan na magrespeto at magpalaganap ng mga karapatang pantao.

  16. Mga taga-subaybay UNITED NATIONS HUMAN RIGHTS COUNCIL SPECIAL AGENCIES TREATY BASED COMMITTEES REGIONAL SPECIAL RAPPORTEUR/ REPRESENTATTIVE/working group NATIONAL HUMAN RIGHTS COUNCIL NGO

  17. Umiiral na Internasyunal at Lokal na Pamantayan Bilang Balangkas ng Pagsubaybay ICESCR CRC CEDAW UDHR ICERD ICCPR Kalusugan Pabahay Edukasyon Paggawa Pagkain LABOR CODE OF THE PHIL CARL-1988 1987 PHIL. CONSTITUTION IPRA 1997 CHEAPER MEDICINE ACT Price Act GOVERNANCE OF BASIC EDUCATION ACT NHA-1992

  18. Umiiral na Internasyunal at Lokal na Pamantayan Bilang Balangkas ng Pagsubaybay ICESCR ICCPR UDHR UNDRIP RIO DECLARATION ON ENVIRONMENT AND DEVT-1992 KAUNLARAN UNDRD-1986 PAKIKILAHOK KARAPATAN SA EPEKTIBONG REMEDYO MABUHAY, KALAYAAN AT SEGURIDAD SARILING PAGPAPASIYA IMPORMASYON KALAYAAN SA DISKRIMINASYON MASIGLA AT MAAYOS NA KAPALIGIRAN SAPAT AT MAAYOS NA PAMUMUHAY IPRA 1987 PHIL CONSTITUTION LUPAING NINUNO MAKATARUNGAN AT MABUTING KALAGAYAN NG PAGGAWA

  19. 2 Uri ng Pagsubaybay sa Karapatang Pantao • Pagsubaybay sa Sitwasyon • Pagsubaybay sa Kaso

  20. 1. Pagsubaybay sa kalagayan ng karapatang pantao sa mga komunidad. Pagsubaybay sa Sitwasyon

  21. 2. Pagsubaybay sa paglabag sa karapatang pantao Pagsubaybay sa Sitwasyon

  22. 3. Pagsubaybay sa paggawa at pagpapasa ng mga batas Pagsubaybay sa Sitwasyon

  23. 4. Pagsubaybay sa pagsasakatuparan ng mga batas at patakaran Pagsubaybay sa Sitwasyon

  24. 5. Pagsubaybay sa pagtatayo at pagsulong ng mga institusyong pangkarapatang pantao. Pagsubaybay sa Sitwasyon

  25. Pagsubaybay sa legal na proseso na pinagdadaanan ng isang kaso. 2. Pagsubaybay sa mga serbisyong relip at rehabilitasyon na ibinibigay sa isang kliyente 3. Pagsubaybay sa iba pang anyo ng pakikialam sa isang kaso. Pagsubaybay sa Kaso

  26. 1. “Paglabag” o “Pangyayari” Daanan (approach) ng pagsubaybay sa karapatang pantao

  27. 2. “Progresibong Pagkakamit” o “Palatandaan”

  28. Halimbawa: Pamantayan – Karapatan sa sariling pagpapasya. Obligasyon ng Gobyerno– Paggalang sa karapatan ng mga katutubo. Palatandaan – Self-governed ancestral domain. Use of own system of governance;justice Preservation of habitats and culture.

  29. Paraan ng pagsubaybay sa karapatang pantao • Fact-Finding • Paggamit ng standard format, kontroladong bokabularyo at data base • Sarbey • Pag-analisa ng badyet • Pag-analisa ng mga batas

  30. Fact-finding ay isang proseso ng pangangalap ng impormasyon upang tukuyin ang mga paglabag sa karapatang pantao. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng interbyu at pagkolekta ng iba pang pinanggagalingan ng impormasyon sa mga tiyak na kaso ng paglabag sa karapatang pantao.

  31. Ang paggamit ng standard format at isang sistema ng kontroladong mga bokabularyo, at paglikha ng database, ay nakakatulong sa pagbuo ng mga impormasyon kaugnay sa karapatang pantao sa isang paraan na madaling ibahagi , maunawaan at magamit ng ibang grupo na maaaring makatulong sa pagpapahinto ng mga paglabag.

  32. Survey - isang paraan ng pagkalap ng datos kaugnay sa kasalukuyang mga kalagayan. Ang paraan ay nakatuon sa pagtitiyak ng mga kalagayan na nangingibabaw sa isang grupo ng mga kaso na pinili para pag-aralan at isang kantitatibong paraan ng pagsasalarawan ng pangkalahatang katangian ng grupo.

  33. Pag-analisa ng mga batas- • Sakop ang pag-aaral ng mga batas ng bansa at pag-analisa kung into ay umaayon sa mga internasyunal na pamantayan. • Pag-eksamen sa mga ulat kung paano aktwal na ipinatupad ang mga batas, patakaran, programa at plano. • Pag-aaral sa mga desisyon ng korte. • Pagmanman sa progreso ng komisyon ng karapatang pantao at sa pagsasanay ng mga opisyales ng gobyerno sa mga prinsipiyo ng karapatang pantao. (Huridoccs)

  34. Pag-analisa ng Badyet - • Pag-aaral kung paano ang pambansang badyet ay inilalaan o binabahagi. Ang Badyet ay hindi lamang mga dokumentong pampinansya, kundi nagpapakita ito ng mga prayoridad ng gobyerno at sumasalamin kung paano nila ninanais o di ninanais na protektahan at tugunan ang mga karapatang ekonomiko, sosyal at kultural ng kanilang mga mamamayan.

  35. Produkto ng Pagsubaybay • Kung ang mga impormasyon mula sa pagsubaybay ay nakalap, naproseso at na-analisa, ano ngayon ang gagawin dito? • Mga Ulat - Ito ang pangunahing produkto ng gawaing pagsubaybay. Ang karaniwang anyo nito ay ang ulat ng sitwasyon.

  36. Inaasahang Resulta • Ang mga ulat ay hindi ang pinakamithiin ng pagsubaybay sa karapatang pantao. Ito ay isa lamang instrumento. Ang inaasahang mga resulta ay mga kongkretong aksyon tulad ng: pagbibigay ng kagyat na tulong sa mga biktima, pahahanap ng katarungan para sa kanila, pagtulong para sa kanilang rehabilitasyon at makagawa ng legal na aksyon.

  37. Mga Prinsipiyo/Panuntunan sa Pagsubaybay • Katumpakan, Walang-Kinikilingan at Kumpidensyal • Ang pagbabago sa opinyon at pananaw ng publiko at sa kilos at ugali ng mga awtoridad ay higit na posible kung ang nagtutulak ay mula sa isang tumpak at walang-kiling na pananaliksik. (Ukwele)

  38. Mga Prinsipiyo/Panuntunan sa Pagsubaybay • Ang mga taga-bantay ay dapat magpakita na wala silang pinapanigang partido o grupo, hiwalay sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao. • Ang kawalang-kinikilingan ay nangangahulugan din ng pantay na pagtrato sa mga biktima kahit anuman ang kanyang pulitika, nasyonalidad, relihiyon, kasarian, grupo o uri. • ctivities of opposition groups. • All violations should be reported, regardless of who committed them.

  39. Mga Prinsipiyo/Panuntunan sa Pagsubaybay • Ang mga taga-subaybay ay kailangang seryosong analisahin at beripikahin ang mga datos at gumamit ng malawak na pinagkukunan ng impormasyon upang mapag-aralan ang katotohanan ng mga ito. Dapat malinaw na mapag-iba ang katunayan, alegasyon, haka-haka, tsismis. Ang mga kongklusyon ay dapat suportado ng ebidensya. • Ang pagiging lihim ay napakahalaga upang maprotektahan ang mga tao na nagbigay ng mga impormasyon. Maging ang paglilimbag ng mga anonimos na impormasyon ay kailangan meron pa ring pagsang-ayon ng taong nagbigay nito.

  40. Mga Prinsipiyo/Panuntunan sa Pagsubaybay • Ang mga taga-bantay ay dapat maingat na nag-aaral ng partikular na mga sitwasyon at mga panganib bago sila lumantad sa publiko. • Ang mga tagapagtanggol ng karapatan ay dapat mulat sa taglay na panganib ng kanilang gawain at gumawa ng mga hakbang para protektahan ang kanilang seguridad at ng mga taong pinagkukunan nila ng impormasyon.(Bagre & Clark)

  41. Ang dokumentasyon ay isang elemento ng pagsubaybay at tumutukoy sa isang proseso ng pagtatala ng mga impormasyon o sa isang proseso ng pangangalap at pag-oorganisa ng mga dokumento. DOKUMENTASYON

  42. 1. Edukasyon at promosyon ng karapatang pantao Mga Layunin ng Dokumentasyon ng Karapatang Pantao

  43. 2. Tuwirang tulong sa mga biktima

  44. 3. Paghanap ng katarungan at kalutasan

  45. 4. Lokal at internasyonal na adbokasiya

  46. 5. Makagawa ng mga lokal na pamantayan o palatandaan 6. Makapaghanda ng mga ulat ng mga sitwasyon at ulat sa karapatang pantao

  47. 7. M akapag-lobby

  48. 8. Makagawa ng makasaysayang mga tala

  49. SINO ANG MAGSASAGAWA NG DOKUMENTASYON? • Mamamayang tuwirang apektado ng isyu. Sila, ang mga nasaktan, nalagay sa panganib o negatibong naapektuhan ng isang problema o aksyon ang dapat magdokumento ng bawat detalye ng kanilang karanasan. Ang ganung mga detalye ang maaaring magkapagbigay ng nakakakumbinsing suporta para sa isang aksyon, reklamo,adbokasiya o lobby.

  50. SINO ANG MAGSASAGAWA NG DOKUMENTASYON? • Mga lider-komunidad o iba pang mga respetadong tao. Ang inyong dokumentasyon ay madadagdagan ng lakas at kredibilidad kung ang iba dito ay nagmula sa mga tao sa komunidad na kinikilala ng lahat. • Mga eksperto, tagapagtaguyod at suportang mga organisasyon. May nakikita ang mga eksperto na maaaring hindi ninyo iniisip na hanapin o hindi maunawaan kung bakit mahalaga ang isang partikular na pamamaraan.

More Related