1 / 14

I-click para pumunta sa susunod na slide

ANG TOTOONG PASKO. Tommy's Window Slideshow. ♫ Buksan ang speaker. I-click para pumunta sa susunod na slide. ISINULAT NI VIRGINIA BRANDT BERG. May mga tao na di maunawaan kung paano bumaba ang Diyos at nagkatawang- tao, pero Siya ay pumarito.

tate
Télécharger la présentation

I-click para pumunta sa susunod na slide

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. ANG TOTOONG PASKO Tommy's Window Slideshow ♫ Buksan ang speaker I-click para pumunta sa susunod na slide ISINULAT NI VIRGINIA BRANDT BERG

  2. May mga tao na di maunawaan kung paano bumaba ang Diyos at nagkatawang- tao, pero Siya ay pumarito.

  3. Di iyon kataka-taka sa akin. Sa totoo lang, madali kong paniwalaan iyon dahil nakikita ko kung paano mabuhay si Jesus sa puso ng mga tao araw-araw.

  4. Lumalapit Siya, tumatahan sa puso at nagbabago ng buhay, at sa akin, iyon ay malaking mirakulo -- na maaari Siyang mabuhay sa iyong puso at sa aking puso, at makiisa sa atin sa ganitong paraan.

  5. Sabi sa Bibliya, si Jesus ay tatawaging “Kamangha-mangha."

  6. “Sa atin ay ipinanganak ang isang bata… at ang pamamahala ay maaatang sa Kanyang balikat: at ang Kanyang pangalan ay tatawaging… Kamangha-mangha, Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang hanggang Ama, Prinsepe ng Kapayapaan." Isaias 9:6

  7. Kamangha-mangha ang ngalan Niya sapagkat kamangha-mangha ang buhay Niya, lumilibot habang gumagawa ng mabuti at nagpapagaling ng mga pinahihirapan. Gawa 10:38

  8. Kamangha-mangha ang kamatayan Niya sapagkat namatay Siya para sa iyo at sa akin, upang magkaroon tayo ng buhay na walang-hanggan. 1 Pedro 2:24 ; 1 Juan 4:9

  9. Kamangha-mangha ang pagkabuhay Niyang muli sapagkat bumangon Siya mula sa mga patay upang tayo ay mabuhay ring muli. 1 Corinto 15:20-21

  10. At kamangha-mangha hanggang ngayon, pagkatapos mabuhay na muli, sapagkat Siya’y nabubuhay upang mamagitan para sa atin. Hebreo 7:25

  11. Subalit di sapat na si Cristo, ang Hari ng mga hari, ay ipanganak sa Bethlehem, sa ilalim ng tala na nagbadya ng Kanyang pagdating; kailangan Niyang mabuhay sa iyong puso bago Niya matagpuan ang Kanyang trono.

  12. Si Jesus, ang Tagapagligtas, ay di makakapasok sa isang pinto hanggat di ito binubuksan mula sa loob. Sabi sa Bibliya, “Ang lahat ng tumanggap sa Kanya… ay Kanyang pinagkalooban ng karapatang maging mga anak ng Diyos.” Juan 1:12 Papapasukin mo ba Siya sa iyong puso?

  13. Kung di mo pa tinanggap si Jesus, ang kamangha-manghang regalo ng Diyos, maaari mong gawin ngayon sa panalanging ganito: Salamat, Jesus, sa pagparito Mo sa lupa at pagkabuhay Mo na gaya namin, sa pagdurusa sa mga pinagdadaanan din namin upang malaman ko ang pag-ibig ng Ama sa langit. Salamat at namatay Ka para sa akin, upang maipag-kasundo ako sa Kanya at magkaroon ng buhay na walang hanggan sa langit. Tinatanggap Kita ngayon bilang Tagapaligtas ko. Patawarin Mo ako sa lahat ng aking pagkakamali, at tulungan Mo akong makilala Ka nang personal at mahalin Ka nang lubos. Amen.

  14. Maligayang Pasko Nawa’y mapuspos ang iyong puso at isip ng kapayapaan ng Panginoon ngayong Pasko at magpakailan pa man! Awitin na kasama ng PowerPoint show:“There is Born a Child” Upang makuha ang awit na may liriko at iba pang PowerPoint Shows, pumunta dito: www.tommyswindow.com

More Related