440 likes | 3.16k Vues
Mga Samahang Itinatag ng mga Pilipino sa Labas ng Pilipinas noong Ika-19 na Dantaon. Rhina Alvero-Boncocan Bahay ni Rizal Setyembre 15, 2010. Introduksyon:. Layunin ng papel na:
E N D
MgaSamahangItinatagngmga Pilipino saLabasngPilipinasnoongIka-19 naDantaon Rhina Alvero-Boncocan Bahay ni Rizal Setyembre 15, 2010
Introduksyon: Layunin ng papel na: • Suriin ang naging ambag ng mga samahang itinatag ng mga Pilipino sa labas ng Pilipinas noong ika-19 na dantaon sa pagsulong ng proyektong pagkabansa • ipakita ang naging papel ni Rizal bilang kasapi ng mga samahang repormista sa loob ng Kilusang Propaganda
Konteksto: • Matapos ang kaguluhan ng 1872 bunga ng Pag-aalsa sa Cavite, kasama na ang paghuli sa mga Pilipinong liberal at ang pagbitay sa tatlong pari, ang panahon hanggang 1896 ay di na kakikitaan ng mga pag-aalsa. Sa halip, ang pagkilos laban sa kolonyalismong Espanyol ay mababaling sa kilusan para sa reporma sa pamamagitan ng propaganda o pamamahayag na isusulong ng mga Pilipinong nasa Europa. Nagtayo sila ng mga samahang may pangkalahatang programa ng ASIMILASYON.
Kilusang Propaganda: Ang Kilusan ay binuo ng mga sumusunod na grupo: • mga ipinatapon noong 1872, karamihan ay mestisong Kastila at mga creole; • kabataang estudyante, anak ng mayayamang katutubong principalia o mestisong Tsino o Kastila • mga pinagdududahang filibustero na tumatakas mula sa rehimeng Kastila (Cf. Constantino, A Past Revisited.)
Si Rizal at Kilusang Propaganda: • 3 Mayo 1882—umalis si Rizal patungongEspaña; makakasamaniyaangmgakapwailustrado at magigingaktibosamgapagkilosparasapaghingingrepormasaEspaña
Mula 1880 – 1882, makikita ang pagsisimula ng pagbubuo ng isang kilusang nasyunalista. Nagsimulang ipahayag ang kamalayang makabansa ng mga Pilipinong nangibang-bayan mula sa kaisipang sila ay hindi lamang alipin o sakop ng Espanya, kundi isang pantay na komunidad, may sariling katangiang pambansa at minimithing tanggapin bilang kapantay na mamamayang kastila.
HangarinngKilusang Propaganda • Hangaring Pampulitika • Pagkilala sa Pilipinas bilang lalawigan ng Espanya • Pagkapantay-pantay ng mga Filipino at Espanyol sa harap ng batas • Pagkakaroon ng kinatawan ng Pilipinas sa Cortes ng Espanya • Paghirang ng mga Filipinong paring sekular sa mga parokya at pagpapaalis sa mga prayle Sa kagandahang loob ni Prop. Michael Chua
Hangarin ng Kilusang Propaganda • Hangaring Pang-ekonomiya • Pagpapatibay ng patakaran ng “malayang kalakalan” sa Pilipinas at pag-aalis ng paghihigpit sa negosyo • Paghahanap ng paraan na mabigyan ng matatag na pamilihan ang mga produkto ng Pilipinas • Mabilisang hakbang para sa liberalisasyon ng ekonomiya ng bansa Sa kagandahang loob ni Prop. Michael Chua
Pangunahing Gawain ngKilusang Propaganda • Circulo Hispano-Filipino • España en Filipinas • Exposición de Filipinas • Asociacion Filipino-Hispano • La Solidaridad • Masoneria Sa kagandahang loob ni Prop. Michael Chua
Maikling timeline: • Sucesos de las Islas Filipinas • (may anotasyon ni Rizal) • La Solidaridad • (Masoneria) • 1890 1884-1886 Los Dos Mundos El Imparcial Diario de Manila • 1889 • La Solidaridad • Asociacion Hispano- • Filipino • Indios Bravos Circulo Hispano-Filipino 1882 • 1891 • El Filibusterismo • 1887 • España en Filipinas • Noli Me Tangere • Exposicion de Filipinas 1892 La Liga Filipina
Circulo Hispano-Filipino • Unang gawaing kolektibo ng komunidad ng mga Pilipino sa Madrid; nagmula sa piging para sa publikasyon ng aklat ni Gregorio Sanciangco noong 1881 na El Progreso de Filipinas na nagtalakay sa dekreto na nagtakda ng pag-alis sa monopolyo ng pamahalaan sa tabako; naging simbolo ito ng progresibong pagbabago o repormang liberal na kahilingan sa gobyerno.
Circulo Hispano-Filipino • Abril 1882 – itinatagangCirculo Hispano-Filipinosailalimngpamumunoni Juan Atayde, isang insular at retiradongopisyalngsandatahanglakas • Ayonkay Schumacher, saunangbahagi, angorganisasyon ay isalamangitongsocial club, perosapagdatingni Rizal sa Madrid noongSetyembre 1882, nakitaniyaangorganisasyonnaposiblenginstrumentoparamapagkaisaangmga Pilipino.* • Naglabasangsamahanngisangpahayagan, Revista del Circulo Hispano-Filipino upangipahayagangpangangailanganngPilipinasngreporma.
1884-1886: Kilusan sa Panulat • 1884 – nagsulatangilang Pilipino parahumingingrepormasakolonyasamgasumusunodnapahayagan: Los Dos Mundos, El Imparcial, El Liberal, Diario de Manila, La Publicidad • Naki-ugnayangmga Pilipino samgarepormistangKastila (Liberal o Republikano) gayanina Miguel Morayta, Francisco Pi y Margall at Rafael Labranabumatikossamonarkiya at nagpalaganapng anti-klerikongsentimyento
España en Filipinas: • 1887 – naglathalaangmga Pilipino sa Madrid ngpahayagangEspaña en Filipinas • Angpahayagan ay pumapagitna (moderate), pinamunuanni Eduardo de Letebilangpatnugot; binuongmgamestiso at creoleangpatnugutan at nagsulongngprogramangasimilasyon • NagtuonsakalagayanngPilipinas, saekonomya at pulitika; may diinsamasamangepektongpatakaranngpamahalaansapag-unladngkabuhayanngPilipinas at ngkalakalannitosaEspanya • tinukoyangpagkakaroonngrepresentasyonngPilipinassa Cortes bilang solusyon.*
España en Filipinas: • Nagprotesta laban sa Exposicion de Filipinas na nagtampok sa mga katutubong Pilipino bilang eksibit; nagkaroon ng pakikiisa sa mga Igorot at Moro ang mga ilustrado, panggitna o mataas na uring Pilipino na nasa Madrid; nagpalakas din ng anti-prayle na sentimyento, tinukoy ang kawalan ng edukasyon bilang dahilan ng mababang kabihasnan ng mga katutubo • Hindi rin nagtagal dahil sa pagkakaiba ng pananaw ng mga kasapi.
Sa kagandahang loob ni Prop. Raymund Abejo Exposición de Filipinas
Asociacion Hispano-Filipino • itinatagngHulyo 1888; binuongmga Pilipino at ilangKastilana may layuningpaunlarinangsangkapuluangPilipinassapamamagitanng legal na propaganda, upangmaimpluwensyahanangopinyongpublikoparamakamitangmgalayuningpagbabagongpulitikal at administratibosapmahalaan at sa Cortes. • Kabilangsamgahinihingingreporma o pagbabago ay angsumusunod: pagtuturongwikangKastilasalahatngeskwelahansaPilipinas; pagpigilsafloggingbilangparusa; pag-alissailangmgabuwis; pagpapaunladngproduksyonngbulak, cacao at indigo; pagtatayongmgabangkongagrikultural; pagtatayongmgakalsada at riles ngtren, at mgarepormasapamamahala.
Indios Bravos: • Samahang binuo ni Rizal sa Eksposisyon sa Paris ng 1889; naglayong isulong ang dedikasyon ng mga Pilipino sa Europa at edukasyon para sa Pilipinas • Ginamit ang pangalan bilang parangal sa mga Indiong Amerikano na nasa Wild West exhibit. • Sa halip na ikahiya ang katawagang “indio”, dapat ipagmalaki ang lahi; tawagin ang mga kasaping Indios Bravos; paghusayan ang pag-uugali upang mabago ang pananaw ng Kastila sa indio; magpalaganap ng kaalamang siyentipiko, artistiko o literaryo at pag-aaral ng lupang tinubuan; at pairalin ang pagtutulungan ng mga kasapi.
La Solidaridad: • Karamihan sa mga manunulat ay Pilipino: Jose Rizal, M.H. del Pilar, Eduardo de Lete, magkapatid na Luna, Jose Ma. Panganiban, Mariano Ponce, Isabelo de los Reyes, Dominador Gomez, Pedro Paterno atbp., gayundin si Ferdinand Blumentritt at mga Kastilang liberal.
AngPahayagang La Solidaridad • pahayagan ng Kilusang Propaganda; unang lumabas noong Pebrero 15, 1899 sa Barcelona; inilipat sa Madrid noong Nobyembre 15, 1889
La Solidaridad: • mgaartikuloukolsakalagayangpulitikal, panlipunan at ekonomikosaPilipinas; gayundinsamgausapinsaiba pang kolonyangEspanya. • NagtaglayngmgaadhikainngmgaPilipinongilustrado, angkanilangkahilinganparasareporma at pagbabago, at sahuli, angkanilangpagkabigosapagkamitngpagbabagosamapayapangparaan • nagingsuliraninangkakulanganngpondoparaipagpatuloyangpahayagan.
La Liga Filipina • 3 Hulyo 1892—Itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina sa kanyang pagbabalik sa Filipinas. • naglayong pagsama-samahin ang kapuluan sa isang katawan, proteksyon para sa lahat, pagtatanggol laban sa kaguluhan at kawalan ng katarungan, pagpapaunlad ng edukasyon, agrikultura, at pangangalakal, at pag-aaral at pagsasagawa ng mga reporma. • Ayon kay Floro Quibuyen, dito ninais na isakatuparan ni Rizal ang kanyang konsepto ng bansa (Cf. A Nation Aborted).
Paglalagom: • Ang mga samahang itinatag ng mga Pilipino sa labas ng Pilipinas ay kumatawan sa mahabang kampanya para sa mga reporma at pagkilos tungo sa asimilasyon ng Pilipinas sa Espanya • Sa mga samahan, malinaw ang pag-kritika sa kolonyalismo at pakikiisa sa iba pang mga kolonya ng Espanya para sa paghingi ng mga karapatang pulitikal at sibil gaya ng representasyon sa Cortes at kalayaan sa pamamahayag • Nagpalakas ng sentimyentong anti-prayle at sekular, at mga kaisipang liberal .
Paglalagom: • Kasabay ng pagyakap sa mga kaisipang kanluranin gaya ng liberalismo, pinahalagahan ang sariling kalinangan at kasaysayan • Sa simula, pangunahin si Rizal sa pagsusulong ng mga layunin ng mga samahang liberal – repormista; naging aktibo sa pakikilahok sa mga samahan. Subalit sa huli, nakita niya ang limitasyon ng programang asimilasyon at nagsulong ng pagtatatag ng pambansang komunidad na hiwalay sa Espanya.
Mga Sanggunian: • Chua, Michael, Hamon at Tugon: Conquista at Reaksyon ng Bayan Tungo sa Pambansang Himagsikan, powerpoint presentation. • Constantino, R. The Philippines: A Past Revisited, Tala, Quezon City, 1975. • Corpuz, O.D. The Roots of the Filipino Nation, Aklahi Foundation, Inc., 1989. • Quibuyen, F. Rizal, American Hegemony, and Philippine Nationalism, Ateneo de Manila University Press, 1999. • Rajaretnam, M. Jose Rizal and the Asian Renaissance, Institut Kajian Dasar, K.L., 1996. • Schumacher, J. The Propaganda Movement 1880-1895, Ateneo de Manila University Press, 1997.