1.92k likes | 16.85k Vues
Mga Akdang Nakaimpluwensya sa Panitikan ng Pilipinas at ng Daigdig. Banal na Kasulatan/Bibliya (Aramaic, Latin, Griyego, Hebreo) Koran mula Arabia (Arabic) Iliad at Odyssey ni Homer (Griyego) Mahabharata ng India (Sanskrit) Canterbury Tales ni Chaucer (Old English)
E N D
Mga Akdang Nakaimpluwensya sa Panitikan ng Pilipinas at ng Daigdig • Banal na Kasulatan/Bibliya (Aramaic, Latin, Griyego, Hebreo) • Koran mula Arabia (Arabic) • Iliad at Odyssey ni Homer (Griyego) • Mahabharata ng India (Sanskrit) • Canterbury Tales ni Chaucer (Old English) • Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe (Modern English) • Divina Comedia ni Dante Alighieri (vulgar Italian)
El Cid Compeador (Espanyol) • Isanlibo at Isang Gabi (Arabic at Persyano) • Aklat ng mga Araw ni Confucius (Intsik) • Aklat ng mga Patay ng Ehipto • Awit ni Rolando (Pranses)
Mga Akdang Nakaimpluwensya sa Panitikan ng Pilipinas at ng Daigdig • {Pinakamahabang epiko} Mahabharata • {Pag-uyam sa pag-uugali ng mga Ingles} Canterbury Tales • {Pananaw sa impyerno, langit at purgatoryo} Divina Comedia • {Pananampalatayang Kristyano} Banal na Kasulatan/Bibliya
Mga Akdang Nakaimpluwensya sa Panitikan ng Pilipinas at ng Daigdig • {Pang-aalipin sa mga Itim} Uncle Tom’s Cabin • {Islam} Koran • {Mitolohiya ng Gresya} Iliad at Odyssey
{Espanya} El Cid Compeador • {Arabo at Persyano} Isanlibo at Isang Gabi • {Intsik} Aklat ng mga Araw • {Ehipto} Aklat ng mga Patay • {Pranses} Awit ni Rolando
Ilang Kuru-kuro ukol sa mga akdang nakaimpluwensya sa panitikan ng Pilipinas • Karamihan ay nakasulat sa wikang HINDI INGLES • Karamihan ay mga akdang Europeo • Salamin ng kolonyal/kolonisadong pag-iisip ng mga Pilipino (utak-Kanluranin)
Ang Mga Panahon ng Panitikansa Pilipinas (Historikal na Dulog/Approach)
Panahong Katutubo/Pre-Kolonyal/Bago Dumating ang mga Kastila (BAGO mag-1521)
Panahong Katutubo/Pre-Kolonyal/Bago Dumating ang mga Kastila Ang panitikan sa panahong ito ay… • Karaniwang pasalindila (oral) • Tumatalakay sa paraan ng pamumuhay (way of life) ng ating mga ninuno • Nagpapatunay na MAY SIBILISASYON/KABIHASNAN na ang mga katutubo sa Pilipinas bago pa dumating ang mga Kastila • Matatagpuan din sa mga palayok, banga, kawayang bumbong (isang species ng bamboo) atbp. kung nakasulat
Anyo ng Panitikan sa Panahong Katutubo • Alamat • Kwentong Bayan • Epiko • Awiting Bayan • Bugtong • Salawikain at Kasabihan
Iba’t Ibang Epiko • Bidasari (Moro) • Tatuang, Tulalang, Tuwaang (Bagobo) • Parang Sabir (Moro/Tausug) • Haraya (Bisaya) • Maragtas (Bisaya) • Kumintang (Tagalog) • Biag (Buhay) ni Lam-Ang (Ilokano) • Ibalon (Bicolano) • Bantugan (Muslim/Maranao)
Iba’t Ibang Epiko • Labaw Donggon (Ilongo) • Handiong (Bikol) • Hudhud (Ifugao) • Alim (Ifugao) • Hinilawod (Bisaya) • Indarapatra at Sulayman (Magindanaw)
Awiting Bayan • Oyayi/hele (pagpapatulog ng bata) • Kalusan (paggawa) • Kundiman (pag-ibig) • Diona (kasal) • Kumintang/tagumpay (pandigma) • Dalit/himno (pagsamba sa anito/panrelihiyon) • Dung-aw (pagdadalamhati/pagluluksa sa patay) • Soliranin (pagsasagwan) • Talindaw (pamamangka)
Mga Bugtong • Gintong binalot ng pilak/pilak na binalot ng balat. (itlog) • Hindi hayop, hindi tao/walang gulong tumatakbo. (agos ng tubig) • Dahong pinagbungahan/bungang pinagdahunan. (pinya) • Bumili ako ng alipin/mataas pa sa akin. (sombrero) • Pinihit ko si kaibigan, bumukas ang daanan. (susi)
Mga Bugtong • Nang bata’y submarino, nang tumanda’y eroplano. (lamok) • Natuwa ang nawalan, nagalit ang nakakuha. (utot) • Prutas na kaysarap kainin, may itim na perlas kung hatiin. (papaya) • Isang pindot ng daliri, impormasyo’y sari-sari. (internet) • Tubig sa kaitaasan, ang ulo’y bilugan. (niyog/buko)
Salawikain at Kasabihan • Ang hipong palatulog, inaanod ng agos. • Kung may isinuksok, may madudukot. • Ang magtanim ng hangin, bagyo ang aanihin. • Kung may tiyaga, may nilaga. • Umiwas sa baga, sa apoy nasugba. • Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili.
Panahon ng Kolonyalismong Espanyol (1521?-1860s)
Panahon ng Kolonyalismong Espanyol Ang panitikan sa panahong ito ay… • Karaniwang pasulat • Tumatalakay sa paksang panrelihiyon • Salamin ng kulturang Kanluranin (western) • Karaniwang nakasulat sa wikang Espanyol
Mga Unang Aklat na Nilimbag • Doctrina Cristiana (bilinggwal na katesismo; aklat ng mga panalangin atbp.) Hal. “Ylan po ang Dios?” “Isa po laman, datapuat may tatlon persona.” • Nuestra Señora del Rosario (novenario; aklat ng nobena/debosyon sa Mahal na Birhen)
Bersyon ng Pasyon • Padre Gaspar Aquino de Belen • Luis Guian • Padre Mariano Pilapil (pinakagamitin ang kanya) • Padre Aniceto dela Merced
Panitikang Didaktiko • Nangangaral • Nagbibigay ng mga tuntuning dapat sundin sa maayos na pamumuhay • Dalawang pangunahing halimbawa: “Pagsusulatan ng dalawang binibinbi na sina Urbana at Feliza” (Padre Modesto de Castro) “Tandang Basio Macunat”
Ang Awit at Korido • Hango sa mga akdang Europeo • Romantisista • Eskapista • Kasangkapan upang maipalaganap ang kolonyal na pag-iisip • Ginamit din ng mga Pilipino upang ilantad at tuligsain ang pagmamalabis ng gobyernong kolonyal
Duplo at Karagatan • Patulang pagtatalo na may halong malalim na pagpapatawa/humor/wit • Isinasagawa sa burol/lamay/wake at sa pasiyam, anibersaryo ng pagkamatay atbp. • Pang-aliw sa kamag-anak ng yumao • Pampalipas-oras sa mga gabi ng lamay
Karilyo • Puppet show (anino ng mga tau-tauhang gawa sa karton na nasa likod ng puting tabing na iniilawan ng gasera/lamp sa likuran nito)
Moro-moro/Komedya • Magarbong presentasyon • Isinasagawa sa tanghalan na itinayo sa lansangan • Ginamit na kasangkapan upang ipalaganap ang Kristyanismo • Romantisista • Kanluraning tagpuan/setting
Mga Dulang Panrelihiyon • Tibag (ukol sa paghahanap ni Emperatris Santa Elena sa krus ni Kristo) • Senakulo (ukol sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo) • Panunuluyan (ukol sa paghahanap ng matutuluyan ng Banal na Mag-anak sa panahong kagampan/manganganak na ang Birheng Maria)
Ang unang “tula” May bagyo ma’t may rilim ang ola’y titigisin, aco’y magpipilit din: aking paglalakbayin tuluyin kong hanapin Diyos na ama namin.
Tulang bilinggwal • Nililikha ng mga LADINO (makatang bihasa sa Tagalog at Espanyol) • Karaniwang nakasingit lamang sa mga aklat sa gramatika o kaya’y katesismo • Mga LADINO: Fernando Bagongbant at Pedro Suarez Osorio
“Tunay na Tula” • Phelipe de Jesus ng San Miguel, Bulacan – ang “unang tunay na makata” sa Tagalog “Ybong camunti sa pugad A small bird in the nest sa inang inaalagad Nurtured by its mother ay dili macalipad is unable to fly hangan sa di magcapacpac until its wings develop. Loob ninyong masilacbo Your angry feelings parang ningas na alipato are like flying embers sa alapaap ang tongo that will go to the sky ay bago hamac na abo. and become lowly ash.
Panahon ng Kilusang Propaganda/Pagbabagong-Diwa/Pagbabagong-Isip (1860s-1892)
Panahon ng Kilusang Propaganda/Pagbabagong-Diwa/Pagbabagong-Isip Ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang… • Tumutuligsa sa pang-aabuso ng gobyernong kolonyal • Nagkikintal ng pagkamakabayan • Humihingi ng reporma • Humuhubog ng sariling pagkakakilanlan ng mga Pilipino (pinauso ang pagtukoy sa mamamayan ng Pilipinas na Filipino; ikinarangal ang pagiging indio) • Nakasulat sa Espanyol (sapagkat nais nilang magbago ang mga Kastila; hindi PA nila nais na maging malaya ang Pilipinas)
Mga Repormang Hinihingi ng Kilusang Propaganda • Asimilasyon ng Pilipinas bilang lalawigan/probinsya ng Espanya • Iba’t ibang karapatan para sa mga Pilipino na tinatamasa ng mga Espanyol sa Espanya (malayang pamamahayag, pagpoprotesta, pagpupulong atbp.) • Pilipinisasyon ng mga parokya • Pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Cortes (ang tawag sa parlamento/parliament ng Espanya)
Mga Nobela • La Loba Negra(Ang Babaeng Lobong Itim) ni Padre Jose Burgos – pinaniniwalaang nakaimpluwensya rin sa mga 2 obra maestra ni Rizal • Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal • Fray Botod (ayon sa ibang aklat ay maikling nobela ngunit sa aktwal ay maikling kwento)ni Graciano Lopez-Jaena – ukol sa masasamang katangian ng mga prayle sa Pilipinas noon • Ninay ni Pedro Paterno – diumano’y kauna-unahang “nobelang panlipunan”
Mga Sanaysay • Filipinas Dentro de Cien Años(Ang Pilipinas Pagkalipas ng 100 Taon) ni Jose Rizal – mga hula ni Rizal ukol sa kahihinatnan ng Pilipinas: binanggit niya na posibleng sakupin tayo ng Estados Unidos sa ating paglaya at totoo nga… • Sobre La Indolencia de los Filipinos (Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino) – sinagot (sinupalpal) ni Rizal ang mga buladas ng mga Kastila na diumano’y tamad ang mga Pilipino
Mga Sanaysay • Sa Mga Kababayang Dalaga sa Malolos (liham) ni Jose Rizal – isa sa mga akdang Tagalog ni Rizal na naging popular; nagbibigay-inspirasyon at -papuri sa mga kababaihan ng Malolos, Bulacan na nais magtayo ng paaralang pambabae sa kanilang bayan
Mga Sanaysay • La Frailocracia en Filipinas (Pangingibabaw ng mga Prayle sa Pilipinas) – tumutuligsa sa katiwalian at kawalang-katarungan at pangingibabaw sa Pilipinas ng mga prayle noon
Parodiya (Parody/Lampoon) • Dasalan at Tocsohan ni Marcelo H. del Pilar – koleksyon ng Katesismo at mga dasal na pinarodiya upang tuligsain ang mga prayle
Ilang bahagi ng “Dasalan at Tocsohan” Aba ginoong barya, nakapupuno ka ng alkansya. Ang prayle ay sumasaiyo. Bukod ka niyang pinagpala’t pinahigit sa lahat. Pinagpala rin naman ang kaban mong mapasok. Santa barya, ina ng deretso, ipanalangin mo kaming huwag anitan at kami’y ipapatay. Siya nawa.
salin ng Aba Ginoong Barya Hail oh coin, you fill up the piggy bank. The friars are with you. Blessed are you among all and further multiplied by the friars. And blessed also is the chest that you enter. Holy coin, mother of rights, pray for us so that we will not be scalped and be assassinated. Amen.
Mga Tula • Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya ni Hermenigildo Flores • Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas ni Marcelo H. del Pilar
Mga Pahayagan • Diariong Tagalog (unang pahayagang Tagalog) – pinamatnugutan ni Marcelo H. Del Pilar • La Solidaridad (Espanyol ang wika) – opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda; pinamatnugutan nina Graciano Lopez-Jaena at Del Pilar.
Tatlong Haligi ng Kilusang Propaganda • Jose Rizal (Laong-laan/Dimasalang) • Marcelo H. del Pilar (Dolores Manapat; Pupdoh; Piping Dilat; Plaridel) • Graciano Lopez-Jaena
Iba Pang Propagandista • Jose Maria Panganiban (Jomapa) • Mariano Ponce (Naning; Tikbalang; Kalipulako) • Isabelo de los Reyes • Antonio Luna • Pedro Paterno (bagamat malao’y 2 beses magtataksil sa Pilipinas) • Pascual Poblete
Panahon ng Himagsikan/Rebolusyon ng 1896 at ng Unang Republika (1892-1899)
Panahon ng Himagsikan/Rebolusyon ng 1896 Ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang… • Nananawagan ng himagsikan • Nakasulat sa bernakular (wikang katutubo) • Nagpapahayag ng marubdob na pagkamakabayan
Mga Tula • Katapusang Hibik ng Pilipinas ni Andres Bonifacio – tahasang nananawagan ng pagbaklas/paghiwalay ng Pilipinas sa “Inang Espanya” • Mi Ultimo Adios ni Jose Rizal • Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio • Filipinas ni Jose Palma – pinagbatayan ng liriko/titik ng Pambansang awit
Bahagi ng “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” Kung ang bayang ito’y mapapasa-panganib at siya ay dapat na ipagtangkilik, ang anak, asawa, magulang, kapatid, isang tawag niya’y tatalikdang pilit. If this country will be endangered and if she needs protection, children, wife, parent and brethren shall be left to heed her call.
Bahagi ng “Katapusang Hibik…” Ang lupa at bahay na tinatahanan, bukid at tubigang kalawak-lawakan at gayon din pati ng mga halaman sa paring Kastila ay binubuwisan. Paalam na, Ina, itong Pilipinas Paalam na, Ina, itong nasa hirap, Paalam, paalam, Inang walang habag. Paalam na ngayon, katapusang tawag.
Mga Sanaysay • Ang Ningning at Ang Liwanag ni Emilio Jacinto – ukol sa masasamang dulot ng pag-ibig sa ningning ng kayamanan • Ang Dapat Mabatid ng Mga Tagalog ni Andres Bonifacio – panawagan sa mga Pilipino na tuklasin kung saan nagmula ang mga paghihirap na kanilang dinaranas (sa KOLONYALISMO/Pananakop at pangingibabaw ng mga dayuhan)