1 / 21

Hulyo 2013

Kataga ng Buhay. Hulyo 2013. «Sapagkat ang buong Kautusan ay nauuwi sa isang pangungusap, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili» ( Gal 5,14). Sinabi ito ni Apostol Pablo. Ito ay maikli, tiyak, malinaw at sadyang kahanga-hanga.

Télécharger la présentation

Hulyo 2013

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. Kataga ngBuhay Hulyo 2013

  2. «Sapagkat ang buong Kautusan ay nauuwi sa isang pangungusap, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili» (Gal 5,14)

  3. Sinabi ito ni Apostol Pablo. Ito ay maikli, tiyak, malinaw at sadyang kahanga-hanga.

  4. Sinasabi nito sa atin na ang pag-ibig sa kapwa ay dapat maging batayan at palagiang inspirasyon ng Kristiyanong pamumuhay.

  5. Para sa Apostol, ang kaganapan ng kautusan ay nakasalalay sa pagsasagawa nito. Sa katunayan, ito ang isinasaad ng buong kautusan ng mga Hudyo: huwag mangalunya, huwag pumatay, huwag magnakaw, huwag maging sakim....

  6. At alam natin na ang mga nagmamahal ay hindi gumagawa ng mga bagay na ito: ang mga nagmamahal ay hindi pumapatay o nagnanakaw...

  7. «Sapagkat ang buong Kautusan ay nauuwi sa isang pangungusap, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili» (Gal 5,14)

  8. Subalit ang mga nagmamahal ay hindi lamang basta umiiwas sa kasamaan. Sila ay bukas sa iba; hinahangad nila ang kabutihan at isinasagawa ito; ibinibigay nila ang kanilang sarili, hanggang sa sukdulang ibigay ang kanilang buhay para sa kanilang kapwa.

  9. Dahil dito, sinabi ni Pablo na kapag minamahal natin ang ating kapwa, hindi lamang natin tinutupad ang isang kautusan sapagkat «ang buong kautusan ay nakapaloob» dito.

  10. «Sapagkat ang buong Kautusan ay nauuwi sa isang pangungusap: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.» (Gal 5,14)

  11. Kung ang buong kautusan ay nakapaloob sa pagmamahal sa kapwa, kailangang tingnan ang ibang kautusan bilang daan upang magbigay liwanag at gabay para matagpuan natin ang landas upang mamahal ang kapwa sa malimit na magulong sitwasyon ng buhay. Kailangang malaman natin ang layunin at kalooban ng Diyos sa pagbibigay sa atin ng iba pang kautusan,

  12. Nais Niya tayong maging masunurin, malinis, mahinahon, mababang-loob, mahabagin, dukha, at iba pa, upang gawin nang lalong mabuti ang kautusan ng pagmamahal.

  13. «Sapagkat ang buong Kautusan ay nauuwi sa isang pangungusap: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.»(Gal 5,14)

  14. Maaari nating itanong: Bakit hindi binanggit ng Apostol ang pagmamahal sa Diyos? Ang katotohanan ay ang pag-ibig sa Diyos at pag-ibig sa kapwa ay hindi nakikipagpaligsahan sa isa’t isa.

  15. Sa katunayan, ang pagmamahal sa kapwa ay pagpapahayag ng ating pagmamahal sa Diyos.Ang pagmamahal sa Diyos ay nangangahulugan ng pagsasakatuparan ng Kanyang kalooban. At ang Kanyang kalooban ay mahalin ang ating kapwa.

  16. «Sapagkat ang buong Kautusan ay nauuwi sa isang pangungusap: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.» (Gal 5,14)

  17. Paano natin maisasabuhay ang kataga ng buhay na ito?

  18. Sa pamamagitan ng pagmamahal sa ating kapwa, sa tunay na pagmamahal sa kapwa. Ibig sabihin ay pagbibigay ng ating sarili nang hindi inaalintana ang sarili. Hindi tayo nagmamahal kapag ginagamit natin ang ating kapwa para sa ating sariling kapakanan, maging ito man ay para sa ating sariling kabanalan dahil minamahal natin ang ating kapwa, hindi ang ating sarili.

  19. Makakatiyak tayo na mararating ng mga nagmamahal sa ganitong paraan ang kabanalan ng buhay; sila ay magiging “ganap tulad ng Ama ay ganap” dahil ginawa nila ang pinakaposibleng bagay. Matapos maunawaan ang kalooban ng Diyos at maisakatuparan ito, tinupad na nila ang kautusan.

  20. At hindi ba ang pagmamahal na ito ang tanging susuriin sa katapusan ng ating buhay?

  21. «Sapagkat ang buong Kautusan ay nauuwi sa isang pangungusap, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.» (Gal 5,14) Isinulat ni: Chiara Lubich

More Related